Pilipinas, kinikilala ang lakas ng China, pero hindi isusuko ang WPS —DND

Pilipinas, kinikilala ang lakas ng China, pero hindi isusuko ang WPS —DND

NANINDIGAN si Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana na hindi nito isusuko ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippines Sea (WPS) bagamat aminado ito na mas malakas ang bansang China.

“Walang alisan!” ang paninindigan ni Lorenzana sa opisyal na pahayag nito sa kanyang social media account.

Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte nitong Linggo na hindi kailangang umalis ang Pilipinas sa  mga pinag-aagawang isla sa WPS.

(BASAHIN: Pagpapatayo ng imprastraktura sa West Philippine Sea, napapanahon na —Sobejana)

Sinabi noon ni Pangulong Duterte na kung subukan man ng China na paalisin ang mga nagpapatrolyang Pinoy  sa palibot ng WPS, hindi dapat ito sumunod sa banta ng China.

Bagama’t ani Lorenzana, kinikilala naman ng pamahalaan ang kapangyarihan, lakas at pwersa  ng China pero hinding-hindi ito aniya dapat na ipagsawalang-bahala ang soberanya ng Pilipinas.

Sa huli, nilinaw ng Defense department ng bansa na walang namamagitang alitan sa kanilang tanggapan at  kay Pangulong Duterte kaugnay sa kung sino at paano dapat ipagtanggol ang mga karagatang sakop ng Pilipinas mula sa mga dayuhang pilit  na sinasakop ang pag-aari ng bansa.

Ayon sa kalihim, patuloy ang ugnayan ng kanilang departamento sa mandato ng pangulo.

(BASAHIN:Pananaway ng China sa Pilipinas hinggil sa WPS, binuweltahan ng DND)

SMNI NEWS