LALAHOK ang Philippine Marine Corps at US Marine Corps sa annual ‘Kamandag’ Exercises mula Mayo 26–Hunyo 6, 2025.
Layunin ng taunang bilateral exercise ang mas pahusayin ang kahandaan ng multi-national forces, interoperability, at kakayahang pangdepensa ng dalawang bansa.
Wala pa lang karagdagang detalye na inilabas hinggil dito gaya ng ilan ang mga kalahok na tropa at ano ang mga kagamitan na gagamitin.
Sa Marine Barracks Rudiardo Brown naman sa Fort Bonifacio sa Taguig City mag-uumpisa ang ‘Kamandag’ Exercises.