SUMANG-ayon ang Pilipinas sa request ng Estados Unidos na maging host ng limitadong bilang ng Afghan nationals.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ito’y habang pinoproseso pa ang kanilang mga special immigration visas papuntang Estados Unidos.
Nilinaw rin ng DFA na hindi hihigit sa 59 araw ang magiging pananatili nila sa bansa.
Ang expenses ng mga pagkain, housing, security, medical, at transportation para sa Afghans ay magmumula rin sa Estados Unidos.