SINABI ng Pangulo ng Russia na si Vladimir Putin na ihahatid ng Russia sa Pilipinas ang marami pang mga bakunang Sputnik V ng Gamaleya Research Institute laban sa COVID-19.
Kinumpirma ito ni Putin sa isang “telesummit” kasama si Pangulong Rodrigo Roa Duterte habang minarkahan ng Pilipinas at Russia ang ika-45 anibersaryo ng mga diplomatikong relasyon.
Sa ngayon ang Pilipinas ay nakatanggap ng 80,000 na dosis ng Sputnik V, kasama ang 50,000 na dosis na inihatid noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Putin na handa rin ang Russia na mag-import ng maraming mga produktong pang-agrikultura sa Pilipinas, susuportahan din ang mga proyekto sa imprastraktura ng transportasyon, tutulungan ang pagbuo ng mga makabagong pasilidad sa enerhiya ng bansa, at magbibigay ng mga kagamitan pang militar.
Inihayag naman ni Duterte na may magandang patutunguhan ang pagkuha ng Pilipinas ng 16 na mga heavy-lift helicopters.
Dagdag pa ni Duterte na umaasa ang Pilipinas sa Russia sa pagpapabilis ng modernisasyon ng military defense assets and systems ng bansa.
Sinabi din ni Duterte na ang Pilipinas at Russia ay patuloy na mas magiging matatag at magkakaroon ng bagong momentum” sa kanilang bilateral ties.
Sa huling limang taon, higit sa 30 mga kasunduan ang natapos at ang key bilateral mechanisms ang nabuo sa pagitan Pilipinas at Russia.
(BASAHIN: Mga nabakunahan ng Sputnik V, walang naitalang seryosong adverse effect)