Pilipinas, makikilahok sa Asia Diving Expo 2023

Pilipinas, makikilahok sa Asia Diving Expo 2023

MAKIKILAHOK ang Tourism Promotions Board Philippines sa Asia Diving Expo (ADEX) 2023 na gaganapin sa Sands Expo and Convention Center sa Singapore mula Marso 31 – Abril 2.

Ang ADEX ang pinakamahabang consumer dive and trade show sa Asia na nilalahukan ng mga diver, industry professionals at marine conservationists sa buong mundo.

Ang event ngayong taon ay inaasahan na dadaluhan ng 30 libong indibidwal.

Ang 3 araw na trade event ay magpapakita ng iba’t ibang aktibidad gaya ng diving at underwater photography exhibition.

Magkakaroon din ng oportunidad para sa networking sa mga diver at industry professionals maging ang oportunidad na matuto ukol sa iba’t ibang dive operators, dive tourism packages, mga serbisyo maging ang mga huling diving equipment.

Ang paglahok ng TPB sa ADEX ngayong taon ay nagpapakita ng dami ng lalahok rito kabilang na ang 21 dive industry at airline companies.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter