INANUNSYO ni Acting palace Spokesperson Karlo Nograles na mananatili sa ilalim ng alert level 2 ang Pilipinas sa huling dalawang linggo ng buwan ng Disyembre.
Mananatili sa alert level 2 ang buong Pilipinas mula Disyembre 16 hanggang 31.
Ang desisyon ay matapos ang pulong ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the management of emerging infectious diseases kahapon.
Ayon kay Nograles, pinawalang-bisa na ang guidelines para sa community quarantine system habang inadopt na sa buong bansa ang alert level system.
Sa ilalim ng alert 2, ang ilang establisyemento at mga aktibidad ay pinapayagan na sa 50% capacity sa indoor para sa fully vaccinated adults at 70% capacity sa outdoors.