Pilipinas mangunguna pa rin bilang rice importer sa buong mundo—USDA

Pilipinas mangunguna pa rin bilang rice importer sa buong mundo—USDA

INAASAHANG aabot sa 5.5 milyong metriko tonelada ang aangkating bigas ng Pilipinas sa taong 2026.

Batay ito sa pagtataya ng Foreign Agricultural Service ng United States Department of Agriculture (USDA).
Ayon sa ahensiya, ang pagtaas ay dahil sa paglago ng populasyon, pagdami ng turista, at ang patuloy na pagiging pangunahing pagkain ng bigas.

Kapag ito ay naisakatuparan, lalampasan nito ang kasalukuyang pinakamataas na volume ng pag-angkat na 4.8 milyong metriko tonelada noong taong 2024.

Dahil dito, ang Pilipinas pa rin ang mangunguna sa listahan ng mga bansang umaangkat ng bigas sa buong mundo.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble