Pilipinas mapalad sa pagkakaroon ng isang Pastor Apollo C. Quiboloy— Dhan Chan

Pilipinas mapalad sa pagkakaroon ng isang Pastor Apollo C. Quiboloy— Dhan Chan

PARA sa isa sa mga kilalang political vlogger sa bansa na si Dhan Chan, napakapalad aniya ng Pilipinas na may nag-iisang Pastor Apollo C. Quiboloy.

Isang pastor na marami nang nagawa sa bansa kahit hindi pa man pumapasok sa mundo ng politika.

Maraming napatunayang programa at proyektong makatao na hindi pa niya nakikita sa ibang mga kandidato o maging sa mismong kasalukuyang politiko.

Ilan sa mga nakamamanghang proyekto nito ang Largest and Biggest Indoor Cathedral o King Dome sa Davao City, sariling paaralan na may handog na libre at de-kalidad na edukasyon, humanitarian advocacies, at environmental policies.

Giit ni Dhan Chan, malaki ang kaniyang pasasalamat bilang isang Pilipino sa desisyong ginawa ni Pastor Apollo na ibahagi nito sa Pilipinas ang kaniyang expertise sa good governance.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter