TINATAYANG 300 delegado, kabilang ang mga directors general ng Civil Aviation mula sa buong rehiyon ng Asia-Pacific, ang dumalo sa 59th Conference of Directors General of Civil Aviation (DGCA) ng Asia at Pacific Regions sa Cebu, na pinangunahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at sinimulan ngayong Lunes, Oktubre 14, 2024.
Sa kumperensiya, isinusulong ng Pilipinas, bilang host, ang sustainability, resilience, at inclusivity sa usaping aviation.
Itinatampok ng kaganapan ang agarang pangangailangan para sa industriya na umangkop sa mga nagbabagong pandaigdigang hamon habang tinutugunan ang mga prayoridad sa environmental, operational, at social priorities.
Ang Pilipinas ay may maipagmamalaking kasaysayan sa DGCA, na unang nag-host ng kaganapan sa Maynila noong 1960, 2002, at 2015.
Ang kasalukuyang pagho-host sa Cebu ay nagmamarka ng ika-apat na pagkakataon para sa bansa.
Ang conference ay magaganap sa loob ng limang araw at magtatapos sa Oktubre 18, 2024.