NAIS ni Sandara Park na makasama sa magiging world tour ng 2NE1 ang Pilipinas.
Kasunod ito sa anunsiyo ng YG Entertainment na magsisimula ang kanilang world tour ngayong Oktubre sa Seoul, South Korea at magtatapos ito sa susunod na taon.
Ang naturang world tour naman ng 2NE1 ay bilang pagdiriwang ng kanilang ika-15th anniversary.
Samantala, magkakaroon na rin ng comeback ang Blackpink sa 2025.
Ang Blackpink ay kasama ng 2NE1 sa ilalim ng talent agency na YG Entertainment.