PINAG-uusapan ngayon ang posibilidad ng pagkakaroon ng comeback project ng 2NE1 members na sina Sandara Park, CL, Park Bom, at Minzy.
Ito ay matapos naiulat na makikipagkita ito kay Yang Hyun-suk ng YG Entertainment upang pag-usapan umano ang isang reunion at comeback project.
Sa bali-balita pa, kinumpirma ng apat ang naturang plano sa kanilang malapit na mga kakilala.
Matatandaang taong 2009 nang nag-debut ang 2NE1 at nag-disband noong Nobyembre taong 2016.
Bagaman na-disband ang mga ito, nagpapatuloy pa rin sila bilang solo artists.