Pilipinas, nakakuha ng karagdagang gintong medalya sa ASEAN Para Games

Pilipinas, nakakuha ng karagdagang gintong medalya sa ASEAN Para Games

NAKAKUHA ng karagdagang gintong medalya  ang Pilipinas sa nagpapatuloy na ASEAN Para Games 2023.

Mula sa limang medalya, nadagdagan ng walo pang gintong medalya ang Pilipinas.

Sa pinakahuling medal tally, nasa ika-limang puwesto ang Pilipinas na mayroong 13 ginto, 16 silver at 17 bronze na may kabuuang 46 medalya.

Nangunguna naman ang Indonesia na mayroong 144 na kabuuang medalya, ikalawa naman ang Vietnam na may 98, pangatlo ang Thailand na may 94 at pang-apat naman ang Malaysia na may 53 medalya.

Follow SMNI NEWS in Twitter