Pilipinas, nakatakdang mag-host sa 2026 ASEAN Summit—PBBM

Pilipinas, nakatakdang mag-host sa 2026 ASEAN Summit—PBBM

NAKATAKDANG mag-host sa 2026 ASEAN Summit ang Pilipinas ayon kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Tatlong taon mula ngayon, Pilipinas na ulit ang magiging chairman ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ito ang inanunsiyo ni Pangulong Marcos sa pagdalo niya sa 43rd ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia.

“To this end, it is my pleasure to announce that the Philippines is ready to take the helm and chair ASEAN in 2026. We will fortify the foundations of our community-building and navigate ASEAN as it embarks on a new chapter,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.

Para sa ekonomistang si Dr. Michael Batu, malaking bentahe kung magiging chairman ng ASEAN ang Pilipinas.

“Kung sino man ang host, makakapag-impluwensiya ito nang malaki ‘yun sa mga itatakda, magiging agenda ng ASEAN sa mga meeting nito sa hinaharap,” ayon kay Dr. Michael Batu, Ekonomista.

Para kay Pangulong Marcos, mainam na isaprayoridad ng ASEAN ang digital literacy, pati na ang developing transferable skills.

Pagpapalakas sa mga MSME at business start-ups.

Dapat din aniyang tutukan ang creative economies.

Pati na ang kapakanan ng mga kababaihan, OFWs at mga programa kontra climate change.

“The Philippines will continue to champion change that will strengthen our institutions, improve our decision-making, and uphold ASEAN Centrality,” dagdag ni Pangulong Marcos.

“Pagka-ikaw ang nag-host, makakapunta sa ating bansa ‘yung mga foreign investor galing sa ating mga kapitbahay sa ASEAN. So Makatutulong ito nang malaki sa pagpapalawig ng mga investment sa ating bansa,” dagdag ni Batu.

Huling naging ASEAN Chairman ang Pilipinas noong 2017 sa nagdaang Duterte administration.

Sa susunod na taon, ang bansang Lao muna ang magiging chairman ng ASEAN na susundan ng Malaysia sa 2025.

Ang host country ang magiging chairman sa lahat ng ASEAN Summit at lahat ng related summits.

At obligadong itaguyod ng kapakanan ng mga bansang kasapi.

Lalo na’t malaki ang ambag ng rehiyon sa pandaigdigang ekonomiya.

“Ang combined GDP nito ay USD3.3-Trillion at ang ASEAN ang isa sa pinaka mabilis na economic growing region sa mundo,” ayon pa kay Batu.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble