Pilipinas nakatanggap ng mahigit 2M pediatric COVID-19 vaccines mula sa Australian Government

Pilipinas nakatanggap ng mahigit 2M pediatric COVID-19 vaccines mula sa Australian Government

NATANGGAP na ng Department of Health (DOH) ang 2,280,000 doses ng Pediatric Pfizer Vaccine mula sa Australian Government sa pamamagitan ng suporta mula sa United Nations International Children’s Emergency Fund (UNICEF).

Ito ay parte ng anim na milyon na kabuuang bakuna na donasyon para sa pamahalaan sa katapusan ng taon.

Inaasahan na ngayong linggo rin matatanggap ng bansa ang 720,000 doses para makumpleto ang 3M Pfizer vaccine para sa mga bata.

Gagamitin ang mga bakuna bilang suporta sa mga bata na nagbabalik paaralan at upang mapataas ang vaccination coverage para sa mga bata.

Ilan pa sa mga suporta na ibinibigay ng Australian Government sa pamamagitan ng UNICEF ay ang solar powered vaccine, refrigerators, walk-in cold rooms, personal protective equipment at spare parts.

Follow SMNI NEWS in Twitter