Batas na nagtataas sa edad ng sexual consent, welcome sa PNP

Batas na nagtataas sa edad ng sexual consent, welcome sa PNP

POSITIBONG tinanggap ng Philippine National Police (PNP) ang pagsasabatas ng Republic Act 116481 na nagtataas ng pinakamababang edad ng sexual consent mula 12 hanggang 16 na taong gulang.

Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, ang kanilang Women and Children Protection Desk ay maaaring magsimula ng information dissemination tungkol sa kahalagahan ng pagprotekta sa mga bata mula sa anumang uri ng  pang-aabuso.

Sa isang pag-aaral ng United Nations Children’s Fund (UNICEF), noong 2015 ay napag-alaman na pito sa 10 biktima ng panggagahasa sa Pilipinas ay mga bata.

Sinabi ni Carlos na nais nilang hikayatin ang mga magulang na simulan ang pagtuturo sa kanilang mga anak kung paano protektahan ang sarili mula sa masasamang elemento.

Nangako ang PNP na ipagpapatuloy ang mga programa nito na magtuturo sa mga menor de edad na ipaglaban ang kanilang mga karapatan.

Follow SMNI NEWS in Twitter