Pilipinas, nakikipag-usap sa China sa iba’t ibang diplomatic levels kaugnay ng tensiyon sa WPS

Pilipinas, nakikipag-usap sa China sa iba’t ibang diplomatic levels kaugnay ng tensiyon sa WPS

GAGAWIN ng gobyerno ng Pilipinas ang lahat ng makakaya nito sa pamamagitan ng diplomasya upang maiparating sa pamunuan ng China ang pangangailangang mapababa ang tensiyon sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon sa gobyerno, pinahusay ang kooperasyong maritime sa pagitan ng Pilipinas, Australia, at Japan ay makapagpapagaan sa tensiyon sa WPS.

Maliban diyan ay gagawin din umano ng pamahalaan ang lahat para maiwasan ang posibleng direktang komprontasyon sa Beijing.

Samantala, naging maayos naman ang mga pasasanay sa ginanap na Multilateral Maritime Cooperative Activity sa WPS sa pagitan ng Pilipinas, US, Australia at Japan.

China, nagsagawa ng military drills sa South China Sea

Kaugnay rito, nagsagawa ang China ng joint naval at air combat patrols nitong araw ng Linggo sa pinagtatalunang South China Sea.

Ayon sa statement ng People’s Liberation Army (PLA) Southern Theater Command ng China.

“The Chinese PLA Southern Theater Command organized a joint naval and air strategic patrol in the South China Sea on April 7,” ayon sa People’s Liberation Army (PLA), Southern Theater Command of China.

Ang nasabing aktibidad ay kasabay ng isinagawang joint drills ng Pilipinas, United States, Japan, at Australia.

Idinagdag pa ng Chinese Army na ang lahat ng aktibidad ng militar na gumugulo sa sitwasyon sa South China Sea at lumikha ng mga hotspot ay “under control” na.

“All military activities disrupting the South China Sea situation and creating buzzes are under control,” ayon pa sa People’s Liberation Army.

Ang mga pagsasanay na ito ay naganap, ilang araw bago idaos ang unang trilateral summit kasama ang mga pinuno ng Estados Unidos, Pilipinas, at Japan.

Sa kabilang dako, sinabi ni National Security Council Assistant Director General Jonathan Malaya na ipinagtataka nila kung bakit may ginawa ring joint naval at air patrol ang China sa pinag-aagawang teritoryo.

Kinuwestiyon din ni Malaya ang iba pang naging pahayag ng People’s Liberation Army ng Beijing.

“And then, they said na it’s under control – under control daw iyong mga ganito. Sabi ko, papaano naman nila sasabihin na things are under control, hindi naman tayo lumabas sa ating exclusive economic zone. Iyong ating Quad Maritime Cooperation activity with the US, Japan and Australia, ginawa po natin ito sa loob lamang ng ating exclusive economic zone,” wika ni Jonathan Malaya, Assistant Director General, NSC.

Matatandaang nabanggit ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Lin Jian na ang territorial sovereignty at mga karapatan at interes sa maritime ng China sa South China Sea ay matatag na nakabatay sa international law.

Saad pa ng Chinese Official, ang nagpalaki sa sitwasyon hinggil sa isyu ng South China Sea ay ang mga ginagawang hakbang ng Pilipinas.

Madalas aniya na gumawa ng mga paglabag at probokasyon ang Pilipinas at nag-udyok umano ng mga kaguluhan sa karagatan.

Inakusahan din ng tagapagsalita ng Chinese Foreign Ministry na nagpapakalat ng disinformation’ o maling impormasyon ang Pilipinas upang iligaw ang pananaw ng international community.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble