NANANATILING lower middle-income country ang klasipikasyon ng World Bank sa Pilipinas.
Sa datos nitong Hulyo 1, 2025, naitala ang Gross National Income (GNI) per capita ng bansa sa $4,470 noong 2024—kulang ng $26 para umakyat sa upper middle-income status. Kabilang sa GNI ang output ng ekonomiya, remittances, at foreign investments.
Target ng administrasyon na maabot ang upgrade sa mga susunod na taon.