TINIYAK ng Department of Health (DOH) na nanatiling nasa low risk classification sa COVID-19 ang Pilipinas sa kabila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay DOH OIC Usec. Vergerie, nakikita nila na patuloy na tataas ang kaso ng virus hanggang Hulyo 31.
Bilang paghahanda, ikakasa ng ahensya ang kampanya para sa booster shots para maiiwas ang mga Pilipino sa severe condition sakaling tamaan ng sakit.
Balak ng Marcos administration na sa unang 100 araw ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ay makamit ang 50 porsiyento na booster coverage.
Ayon sa DOH, sa halip na magkakaroon ng malawakang bakunahan, ay ilalapit nila ang bakunahan sa mga komunidad tulad sa mga eskwelahan, palengke, bus transport, malls, pabrika, plaza at mga simbahan.
Balak din nilang magkaroon ng house to house visit sa mga nakakatandang populasyon, at doon sa mga walang mode of transportation.
Para makamit ang 50 percent booster coverage, kailangang nasa mahigit 23 milyong katao ang mabakunahan ng DOH sa unang 100 araw ni PBBM.