Pilipinas, nominado sa ilang kategorya sa 2025 World Travel Awards

Pilipinas, nominado sa ilang kategorya sa 2025 World Travel Awards

Philippines | Abril 22, 2025 – Muling kinilala ang Pilipinas bilang isa sa mga top travel destinations sa buong Asya matapos itong mabilang sa mga nominado sa prestihiyosong 2025 World Travel Awards, ayon sa Department of Tourism (DOT).

Ipinagmamalaki ng DOT na maraming lokal na destinasyon sa bansa ang kabilang sa iba’t ibang Asia-level categories, na sumasalamin sa ganda, kultura, at karanasan na iniaalok ng Pilipinas sa mga turista.

Mga Nominasyon ng Pilipinas:

Aurora, Central Luzon – Asia’s Leading Regional Nature Destination

San Fernando, Pampanga – Asia’s Leading Cultural City Destination

Clark Freeport Zone – Asia’s Leading Meetings and Conference Destination

Kasama rin ang Pilipinas sa major tourism categories tulad ng:

Asia’s Leading Beach Destination

Asia’s Leading Dive Destination

Asia’s Leading Island Destination

Asia’s Leading Luxury Island Destination – Boracay

Asia’s Leading Wedding Destination – Cebu

Asia’s Leading Tourist Attraction – Intramuros, Manila

Asia’s Leading Tourist Board – Department of Tourism

Bukas na sa publiko ang online voting para sa 2025 World Travel Awards at tatagal hanggang Agosto 31, 2025. Inaanyayahan ang lahat na bumoto sa official website ng World Travel Awards upang suportahan ang Pilipinas at ang mga local destinations.

“Isang karangalan ang maging nominado sa mga kategoryang ito. Ipinapakita nito na kinikilala ang Pilipinas sa pandaigdigang turismo. Inaanyayahan po namin ang lahat na suportahan ang ating mga destinasyon sa pamamagitan ng pagboto,” ayon sa DOT.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble