INIHAYAG ng Philippine Navy na hindi nito lilimitahan sa anti-submarine warfare training ang pakikipag-ugnayan sa Italian Navy.
Ito’y dahil may iba pang kakayahang kailangang paghusayin ng mga Pilipinong mandaragat.
Halimbawa na rito ayon kay PH Navy Spokesperson Capt. John Percie Alcos ang pagsasanay sa anti-surface warfare, anti-air warfare, at electronic warfare.
Binigyang-diin ni Alcos na isa ang Italy sa may pinakamahusay na hukbong pandagat sa mundo, kaya’t makatuwiran lamang na ipagpatuloy nila ang pakikipag-ugnayan dito upang mapahusay ang kakayahan ng mga barko, sundalo, at marino ng Pilipinas.
Noong Marso 17, 2025, ay binisita ni Italian Navy Director for Personnel Employment at Italian Ambassador to the Philippines Davide Giglio ang Navy Headquarters sa Naval Station Jose Andrada, Roxas Boulevard, Manila.
Follow SMNI News on Rumble