POSIBLENG maabot ng Pilipinas ang pagiging upper middle-income na bansa sa taong 2025.
Ayon ito kay Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan bagamat sa taong 2024 ang plano ng pamahalaan na maabot ito.
Matatandaang sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) na nais nitong maiangat ang Pilipinas sa pagiging upper-middle income earner sa 2024.
Ipinaliwanag ni Balisacan na dahil sa pagbaba ng halaga ng piso ngayong taon at ang epektong hatid ng pandemya noong 2020 kaya hindi makakamit ng bansa ang naturang status sa 2024.
Taong 2019 nang inilagay sa lower-middle income country ang Pilipinas dahil ang gross national income per capita lang ng bansa ay sa pagitan ng $1, 006 at $3, 955.
Sa updated standards ng World Bank, para maituring na upper middle-income country ay kailangang magkaroon ng gross national income sa pagitan ng $4,046 at $12,535.