NAG-aerial inspection si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at personal na tinignan ang pinsala ng Bagyong Paeng sa unang distrito ng Cavite.
Ayon kay Cavite 1st District Rep. Jolo Revilla, inalam ng Pangulo ang bigat ng epekto ng bagyo sa kanilang lugar.
Kasama naman nila Revilla at PBBM sa aerial inspection ang ilan pang opisyal ng Cavite kasama si Gov. Jonvic Remulla, Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado, Sen. Bong Revilla at DSWD Sec. Erwin Tulfo.
Ayon naman sa batang Revilla, nakatakdang magtungo ang Pangulo sa bayan ng Noveleta para mamigay pa ng tulong.
“Maraming salamat po sa pagbisita sa aming lalawigan President Bongbong Marcos,” saad ng mambabatas.