RANK No. 9 ngayong taon ang Pilipinas sa 2024 Global Impunity Index kumpara sa Rank No. 8 nito noong nakaraang taon.
Ibig sabihin, may kaunting improvement ang Pilipinas kaugnay sa rankings na ito ng iba’t ibang mga bansa hinggil sa mga hindi naresolbang murder cases ng media workers.
Sa naturang listahan naman ng New York-based nonprofit organization na Committee to Protect Journalists (CPJ) kung saan tampok ang 13 mga bansa, numero uno ang Haiti at pumapangalawa ang Israel.
Pangatlo naman ang Somalia; pang-apat ang Syria at pang-lima ang South Sudan.