Pilipinas, sapat ang COVID vaccines sakaling magkaroon ng second booster shot

Pilipinas, sapat ang COVID vaccines sakaling magkaroon ng second booster shot

TINIYAK ni Department of Health (DOH) Usec. Myrna Cabotaje na may sapat na supply ng COVID-19 vaccines ang bansa.

Kahit pa aniya aprubahan ng Food and Drug Administration (FDA) ang pagtuturok ng pangalawang booster shot sa huling linggo ng Abril o Mayo.

Ani Cabotaje, maraming supply na AstraZeneca, Sinovac, Pfizer at Moderna kaya’t walang dapat ikabahala.

Sa huling update noong Abril 12, 66.7 milyong indibidwal na ang fully-vaccinated habang 12.5 milyon naman ang nakatanggap ng kanilang booster shots.

COVID-19 vaccination program ng pamahalaan, ipapasa sa susunod na admin

Samantala, gagawa ng mga dokumento kaugnay sa COVID vaccination program ang pamahalaan para sa susunod na administrasyon.

Ito ay upang matiyak na maipagpatuloy ang COVID-19 response ng Duterte Administration ayon kay National Task Force (NTF) against COVID-19 Chief Implementer Secretary Carlito Galvez Jr.

Ani Galvez, gagawa sila ng librong magsisilbing playbook ng susunod na administrasyon, kung saan nakasaad ang mga ginawang hakbang ng pamahalaan.

Ito ay para matiyak ang massive vaccination program ng bansa para maprotektahan ang mga Pilipino kontra COVID-19.

Sa katunayan, una nang nagsagawa ng extensive write shop ang pamahalaan na pinangunahan ng DOH, WHO, DILG, at NTF.

Follow SMNI News on Twitter