Higit 66M indibidwal, fully vaccinated na kontra COVID-19 –DOH

Higit 66M indibidwal, fully vaccinated na kontra COVID-19 –DOH

PUMALO na sa mahigit 66.65 milyong indibidwal ang fully vaccinated na laban sa COVID-19 hanggang Abril 10, 2022.

Ayon sa Department of Health (DOH), 74.05 percent ito ng target population.

Sa bilang ng fully vaccinated, sinabi ng DOH na 12.4 milyong indibidwal na dito ang nakatanggap ng booster shots kung saan 322,913 ang naturukan noong Abril 4 hanggang Abril 10.

Sa kabilang banda, 66.6 milyong senior citizens o 76.12% ng target a2 population ang nakatanggap na ng kanilang primary series.

Mga nasayang na COVID-19 vaccine, mas mababa sa 10% – DOH

Samantala, sinabi ng DOH na nasa 10% lamang ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccine na nabili ng pamahalaan ang maikokonsiderang nasayang dahil sa logistical issues.

Sa isang pahayag, binawasan ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang pangamba ng taumbayan na milyun-milyong piso ng halaga ng bakuna na ang na-expire o mae-expire.

Nauna nang iniulat ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion III na nasa 27 million doses ng COVID-19 doses ang nakatakdang ma-expire sa July 27 kung hindi ito magagamit.

Sinabi naman ni Vergeire na nakakuha sila ng pag-apruba ng Food and Drug Administration (FDA) upang mas palawigin pa ang shelf life ng mga bakunang malapit nang ma-expire.

BASAHIN: Health Sec. Duque, nanawagan sa mga kandidato na ikampanya rin ang bakuna vs COVID-19

Follow SMNI News on Twitter