Pilipinas, tanging may cholera cases sa Western Pacific Region—WHO

Pilipinas, tanging may cholera cases sa Western Pacific Region—WHO

TANGING Pilipinas lang ang bansa na nakapagtala ng kaso ng cholera noong 2023 sa Western Pacific Region.

Batay ito sa datos ng World Health Organization (WHO) kung saan sa global report ay mahigit 700-K (708,200) ang kabuuang kaso.

Nasa 4.3-K naman ang naitalang global death dahil dito.

Sa kasong naitala sa Pilipinas noong nakaraang taon ay halos 4-K (3,756) na ang cholera cases ayon sa Department of Health (DOH).

19 dito ang nasawi.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble