Pilipinas, walang investment at tourism restrictions vs. China

Pilipinas, walang investment at tourism restrictions vs. China

WALANG ipatutupad na investment at tourism restrictions laban sa China.

Ito ang nilinaw ni National Economic Development Authority (NEDA) Sec. Arsenio Balisacan kahit pa may hindi pagkakaunawaan ang bansa at Beijing hinggil sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi naman ni Special Assistant to the President on Investment and Economic Affairs Frederick Go na marami pa ring mga Chinese firm ang nananatiling interesado na mag-invest sa Pilipinas.

Dagdag pa nito, nakikita ng Chinese firms na maganda bilang investment destination ang bansa at naniniwala rin ito sa economic growth ng Pilipinas.

Batay sa Philippine Statistics Authority (PSA), China nga ang ika-apat na “biggest market” ng Philippine exports noong Abril.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble