Pilipinas, walang malinaw na foreign policy kaya nagkakaroon ng tensiyon sa mga pinag-aagawang teritoryo sa WPS

Pilipinas, walang malinaw na foreign policy kaya nagkakaroon ng tensiyon sa mga pinag-aagawang teritoryo sa WPS

HUNYO 17, 2024 araw ng Lunes, muling nagkaroon ng tensiyon sa mga pinag-aagawang teritoryo partikular na sa Ayungin Shoal matapos na magsagawa umano ng humanitarian rotation and resupply operations ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa BRP Sierra Madre.

Ang resulta, nakatikim ang ating mga sundalo ng hindi umano makataong pagtrato sa mga Chinese Coast Guard, katunayan isa sa mga personahe ng Philippine Navy ang naputulan ng daliri.

Matapos nito, naunang nagbigay ng pahayag ang Chinese Coast Guard (CCG) kung ano ang nangyari.

Ayon sa CCG, nilabag ng mga Pilipino ang International Maritime Collision Avoidance Rules.

“On June 17, a replenishment ship from the Philippines illegally broke into the sea near Ren’ai Reef in China’s Nansha Islands, and the Chinese Coast Guard took control measures against the Philippine ship in accordance with the law.”

“The Philippine replenishment ship ignored many solemn warnings from the Chinese side, violated the International Maritime Collision Avoidance Rules, and deliberately approached the normal sailing ship of China in an unprofessional way, resulting in a collision. The responsibility lies entirely with the Philippines,” pahayag ng Chinese Coast Guard.

Para naman sa AFP, maituturing na isang agresibo at barbaric ang ginawa ng China.

“The China Coast Guard’s coercive, aggressive, and barbaric actions during the humanitarian rotation and resupply mission at BRP Sierra Madre in Ayungin Shoal on June 17, resulted in severe damage to AFP vessels, including their communication and navigation equipment,” ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Dagdag pa ng AFP na ang China ang nangunguna upang magkaroon ng tensiyon sa nabanggit na lugar.

“The core issue remains the illegal presence and activities of China within our jurisdiction. The continued hostile behavior of the CCG is what escalates tensions in the area,” dagdag ng AFP.

Ilang araw matapos ang insidente, naglabas ng pahayag si Executive Secretary Lucas Bersamin at sinabing nagkaroon lang ng misunderstanding sa pagitan ng China at Pilipinas.

“No, well this was probably a misunderstanding or accident, we are not yet ready to classify this as an armed attack,” saad ni Lucas Bersamin, Executive Secretary.

Ngunit, kalaunan ay sinalungat naman ito ni Defense Secretary Gilberto Teodoro at sinabing hindi aniya ‘yun misunderstanding at talagang layunin ng China na pigilan ang misyon ng mga Pilipino.

“The President has reiterated that we will not publish schedules of any RORE. We see the latest incident in Ayungin not as a misunderstanding or an accident. It is a deliberate act of the Chinese officialdom to revent us from completing our mission,” wika ni Sec. Gilberto Teodoro, DND.

Dahil dito, hindi maiwasan ng ilan sa ating mga kababayan na malito kung ano nga ba ang paninindigan ng Pilipinas sa naturang pangyayari.

Sa panayam ng DZAR Sonshine Radio sa international relations scholar na si Sass Rogando Sasot, kaya patuloy ang nangyayaring sigalot sa South China Sea ay dahil walang malinaw na blue print ang Pangulo ng Pilipinas.

“So ngayon it seems that the architect of the foreign policy of the Philippines doesn’t have a clear blue print, alam nyo naman if you have a blue print if you an architect, if your good architect then the engineer would be able to build a good bridge, a good building, a good structure and follow that blue print,” saad ni Sass Rogando Sasot, International Relations Scholar.

Dagdag pa nito, dahil walang malinaw na plano ang Pangulo kaya nagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa operasyon ng mga nasa baba ng Presidente.

“So ngayon nakikita natin na it seems that at the operations level, the engineers of the foreign policy is not following the blue print, nag iba-iba sila, so sa mga religious para silang nasa Tower of Babel hindi na sila magka-intindihan tayo, din hindi rin natin sila maintindihan ano ba? Ano ba ang gusto nyo talaga? gusto nyo ba ng deplomasiya….. kasi iba-iba na ang sinasabi ninyo eh,” diin ni Sasot.

Kinuwestyon din ni Sasot ang ibang media kung bakit binibigyan ng panahon ang isang retired army ng Amerika na kung pakikinggan ang kaniyang mga pahayag ay tila itinutulak pa tayo sa gulo.

“Ano ba ang layunin ng US military? ang US military po ba ang platform o diplomacy? hindi di ba? ang US military ay platform of war hindi ba? So ngayon ang US military they wouldn’t like to di-escalate the situation coz that’s their intention, mawawala ang kanilang purpose kaya hindi na rin maikakaila kung bakit ganito ang linya ni ex-IS Air Force Officer Ray Powel na sinabi niyang be careful in its efforts to de-escalate,” aniya.

Isa pa sa ipinagtataka ni Sass ay kung maghahatid lang ng supply na pagkain ang mga sundalo bakit may kasama pang under water specialist?

“Marami din tayong hindi naiintindihan sa nangyaring RORE at mas magandang mahimay ito, halimbawa ngayon ko lang nalaman na may mga kasama pala doong underwater operation specialists akala ba namin resupply, bakit may underwater operation specialists, ano ba ang ginagawa ng Navy underwater operation specialists,” aniya pa.

Matatandaan na nauna nang sinabi noon ni Sen. Cynthia Villar na upang makaiwas sa gulo sa WPS ay dapat pawang coast guard lang ang magtungo roon at huwag ang mga sundalo.

Hindi rin maiwasan ni Sasot na ikumpara ang pamamalakad ng naunang namuno sa mga resupply mission.

“So nung panahon ni Admiral Carlos na tinanggal nila, successful ang mga resupply mission, walang naputol na daliri,” aniya.

“Hindi ba galit kayo sa New Model Agreement na precisely na ito ‘yun, mag inform naman kayo tapos coast guard lang ang nandoon walang Navy tapos nasunod ang gusto ni Gibo,” aniya.

Sa huli, kung ayaw makipag-usap ng Pilipinas sa China, hamon ni Sass sa mga namumuno ngayon ng ating bansa.

“’Yun lang naman ‘yun eh kung gusto mong makipagbakbakan, makipagbakbakan ka, kung ayaw mo makipagbakbakan then ‘yung mga salita dapat hindi ‘yung pakikipagbakbakan, ang labo naman nito eh, ang labo,” aniya.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble