Piloto ng bumagsak na eroplano sa Isabela, patay—Isabela PDRRMO

Piloto ng bumagsak na eroplano sa Isabela, patay—Isabela PDRRMO

PATAY ang piloto ng bumagsak na Piper Plane RPC 1234 sa Brgy. Casala, San Mariano, Isabela.

Batay ito sa impormasyon ng Isabela Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO).

Hindi nakita sa lugar ang isang pasahero ng eroplano na pinaniniwalaang nakaligtas dahil sa nakitang improvised tent sa crash site.

Bukas ay dadalhin ang labi ng piloto sa Cauayan City, Isabela.

Nabatid na matagumpay na naisagawa ng Philippine Air Force ang kanilang hoist operations sa kabila ng malakas na hangin sa lugar.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble