NANINIWALA pa rin si Senator Aquilino “Koko” Pimentel na mananalo ang kaalyado nito na si Senator Manny Pacquiao sa pagka-presidente kahit mababa sa survey.
Magugunitang sa isang survey ng Pulse Asia nitong Marso, nasa ika-apat na puwesto si Pacquiao kung saan nakakuha ito ng 8%.
Nangunguna pa rin si presidential aspirant at former Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na malaki ang lamang sa ibang kandidato.
Ani Pimentel, maaaring hindi naaabot ng survey ang masa dahil sa bagong method ng survey ngayong pandemya.
Sa ngayon, tuloy pa rin ang suporta ni Pimentel kay Manny Pacquiao at hindi ito aatras sa laban.
BASAHIN: Pacquiao, pinababayaran sa pamilya Marcos ang estate tax