NANUMPA na ngayong hapon si United Senior Citizens Party-list Rep. Milagros Aquino Magsaysay sa pagsisimula ng sesyon ng Kamara matapos ang holiday break.
Mismong si House Speaker Martin Romualdez ang nagpanumpa kay Magsaysay kasama si Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo.
Nagmula naman sa San Juan La Union ang bagong mambabatas.
Ikalawa na ngayon si Magsaysay sa kongresistang magrerepresenta sa mga senior citizen.
Dahil may bagong congressman, umakyat sa 312 ang miyembro ng 19th Congress mula sa dating 311 mambabatas.