Pinakadahilan ng malnutrisyon, dapat tugunan ng Venezuela—UN

Pinakadahilan ng malnutrisyon, dapat tugunan ng Venezuela—UN

NARARAPAT na magkaroon na ng maayos na plano ang Venezuela para matugunan ang malnutrisyon sa kanilang bansa.

Sinabi ni United Nations Special Rapporteur on the Right to Food Michael Fakhri, kinikilala niya ang mga hakbang ng bansa para matugunan ang food insecurity kung saan pinapalakas nito ang local food production.

Subalit, binigyang-diin nito na hindi pa naresolba ang pinakadahilan kung bakit nagkaroon ng kagutuman at malnutrisyon sa bansa.

Halimbawa aniya sa pinakasanhi ng problema ay ang korapsiyon at kakulangan ng transparency, maging ang hindi maayos na pagpapatupad ng mga batas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble