MAAARI nang malaman ang pinakamababang presyo ng gamot gamit ang drug price watch feature ng egovph app.
Malaki ang matitipid ng isang indibidwal dito dahil hanggang 90% itong mas mura pero kasing-epektibo pa rin ng mga branded.
Isinusulong ito ng Department of Health (DOH) bilang bahagi ng Universal Health Care Law na layong mapalawak ang access ng mga pilipino sa mas mura, ligtas, at dekalidad na gamot.
Suportado rin ito ng Generics Act of 1988 na nagpapalakas sa paggamit ng mga generic na gamot sa bansa.