Pinakamalakas na lider ng oposisyon sa Russia, pumanaw na habang nakabilanggo

Pinakamalakas na lider ng oposisyon sa Russia, pumanaw na habang nakabilanggo

PUMANAW na ang pinakamalakas na lider ng oposisyon sa bansang Russia na si Alexei Navalny habang nakakulong sa Arctic Circle.

Si Navalny na mahigpit na kalaban ni President Vladimir Putin ay nakakulong matapos na mahatulan ng 19 na taon dahil sa pagtatag ng isang extremist community, pagtustos sa mga aktibistang extremists, at iba pang krimen.

Matatandaan na noong 2021 ay ginamot si Navalny sa Russia pagkauwi nito mula sa Germany dahil sa pagkalason.

Kasalukuyan namang iniimbestigahan ng prison service ng Russia ang biglaang pagkamatay ni Navalny isang buwan bago ang nakatakdang presidential election sa Russia ngayong Marso 17.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter