GAGANAPIN sa M.I.C.E. Center ng Quezon City mula Mayo 29–Hunyo 1 ang All aBOARD Exposition!
Ito ay isang apat na araw na board gaming event na inaasahang dadaluhan ng libu-libong local at international participants.
Ayon kay Hans Kenner Fernandez, CEO ng Gaming Library, mahigit 100 board games ang maaaring subukan at laruin ng mga bisita, mula bata hanggang matanda.
Kabilang dito ang mga bagong labas na laro, meet-and-greet kasama ang mga game designers, matitinding tournaments, at exclusive merchandise na tiyak na kagigiliwan ng lahat ng dadalo.
Libre ang entrance para sa mga taga-Quezon City na may Q-Citizen card, habang P50 naman ang entrance fee para sa mga bisitang hindi residente ng lungsod.
Sa kasalukuyan, higit 5,000 na ang nag-pre-register para sa nasabing event.
May mga delegado ring inaasahang dadalo mula sa mga bansang Greece, South Korea, Singapore, Thailand, Vietnam, at Estados Unidos.
Ayon kay Mayor Joy Belmonte na malaki ang inaasahang ambag ng All aBOARD Exposition sa lokal na turismo at ekonomiya ng lungsod.
Tiniyak din ng alkalde ang kahandaan ng lungsod sa posibleng dagsa ng mga bisita sa M.I.C.E. Center.
Narito ang mga pahayag nina Hans Kenner Fernandez at Mayor Joy Belmonte:
Sa apat na araw na selebrasyon ng board gaming sa Quezon City, tampok ang kultura ng pagkakaisa, diskarte, at kasiyahan sa bawat laro.
Sa dami ng inaasahang kalahok mula sa loob at labas ng bansa, inaasahang magiging sentro ang lungsod ng isang makasaysayang pagtitipon para sa mga tagasuporta ng board games sa buong Southeast Asia.