POSIBLENG hindi magbubukas sa unang pagkakataon angg Rideau Canal Skateway Canada, ang pinakamalaking ice rink sa mundo dahil hindi sapat ang snow na nabubuo dito ngayon.
Sa ulat ng Environment Canada, ito na rin ang pangatlong pinakamainit na winter na kanilang naranasan.
Ipinaliwanag ni National Capital Commission Senior Manager Bruce Devine, mahirap magkaroon ng solid ice na makakasuporta sa timbang ng equipment at skaters kung mild temperature lang.
Kinakailangan aniya ng negative 10 hanggang negative 20 degrees celsius sa loob ng 2 linggo para sa ice rink.