SINABI ni Senator Francis ‘TOL’ N. Tolentino na ang lalawigan ng Cavite ang magiging host sa pinakamalaking regional tournament ng 2023 Philippine ROTC Games (PRG).
Ayon kay Sen. Tol, ang brainchild ng PRG, tampok sa Luzon leg ng torneo ay ang mga kadete na atleta mula sa iba’t ibang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) units mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa Regions 1, 2, 3, CALABARZON, MIMAROPA , at Rehiyon 5.
Sila ay maglalaban-laban sa iba’t ibang kompetisyon tulad ng track and field, basketball, kickboxing, boxing, arnis, volleyball, at e-sports.
Ang Luzon leg ng Philippine ROTC Games ay gaganapin sa Cavite State University (CAVSU) sa Indang, Cavite at sa Tagaytay City, simula Setyembre 17 hanggang 23.
Inaasahan na dadalo rito para magbigay ng kanilang suporta ang ilang opisyal ng gobyerno na sina Senator Bong Go, DND Secretary Gibo Teodoro, CHED chairman Popoy de Vera, at Phil Sports Commission Richard Bachmann.
Kumpirmado rin ang special participation nina boxing champion Nesthy Petecio at Carlo Paalam.