Sen. Tolentino, napili bilang chairperson ng special Senate panel on PH maritime zones

Sen. Tolentino, napili bilang chairperson ng special Senate panel on PH maritime zones

ITINALAGA ng Senado si Senator Francis ‘TOL’ N. Tolentino na mamuno sa isang espesyal na komite ng Senado na eksklusibong tututuon sa mga hakbang kaugnay ng maritime at admiralty zones ng bansa.

Sa plenary session araw ng Martes, Agosto 1, nag mosyon si Majority Floor Leader Joel Villanueva para ihalal si Tolentino bilang bagong chairman ng Senate Special Committee on Philippine Maritime and Admiralty Zones.

Si Tolentino ang nagmungkahi sa paglikha ng nasabing bagong panel ng Senado noong nakaraang linggo kasunod ng inisyal na referral ng panukalang Philippine Maritime Zones Act sa ilalim ng House Bill No. 7819 sa Senate Committee on Foreign Relations.

Nauna nang ipinaliwanag ni Tolentino na dahil inaasahang diringgin at haharapin ng Senado ang ilang panukalang maritime legislations na ihahain ngayong 19th Congress, dapat na isaalang-alang ng pamunuan ng Senado ang paglikha ng isang espesyal na komite sa admiralty matters “upang marinig at i-sponsor ang lahat ng mga hakbang na may kaugnayan sa maritime zone bills pati na rin ang baseline acts.”

Makakasama ni Tolentino sa bagong likhang komite sina Senators Sherwin Gatchalian, Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Robin Padilla, Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, Juan Edgardo ‘Sonny’ Angara, at Risa Hontiveros.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble