NAITALA ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang 20.1°C na temperatura sa Metro Manila ngayong umaga, Enero 18, 2024.
Mas mababa ito kumpara sa naitala na 20.2°C noong Enero 14.
Sinabi ni PAGASA weather specialist Benison Estareja na ang dahilan sa malamig na panahon ay ang northeast monsoon o amihan.
Ngunit posibleng tataas na rin ang temperatura ng Metro Manila dahil tinatayang hihina na rin ang amihan sa pagitan ng araw ng Huwebes hanggang sa Linggo, Enero 21, 2024.