Pinakamataas na approval at trust ratings, nakamit ng AFP mula sa Publicus Asia

Pinakamataas na approval at trust ratings, nakamit ng AFP mula sa Publicus Asia

PINASALAMATAN ni AFP Chief of Staff General Andres Centino ang mga sundalo matapos na makamit ang pinakamataas na approval at trust ratings sa pinakahuling survey ng Publicus Asia.

Sa kanyang pagbisita sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig City, kinilala ni Centino ang kontribusyon ng mga sundalo sa kampanya ng AFP partikular sa internal security at pagbibigay ng serbisyo sa publiko sa panahon ng emergency at natural calamity.

“I am thankful for what the Philippine Army has contributed in the accomplishment of the AFP’s internal security campaigns and in providing needed services to our people during emergencies and natural calamities,” pahayag ni Centino.

Sa Pahayag 2022 First Quarter Survey, mula Marso 30 hanggang Abril 6, 2022 sa 1,500 respondents, nakakuha ang AFP ng approval rating na 67.4 percent at trust rating na 53.4 percent na pinakamataas sa lahat ng ahensiya ng gobyerno.

Ayon kay Centino, ang dedikasyon at propesyonalismo ng Philippine Army, Philippine Air Force, at Philippine Navy ay nakatulong sa nakuha nilang suporta sa publiko tulad ng ipinakita sa survey.

Kasabay nito ang pagkilala rin ng patuloy na pagtaas ng morale ng mga kasundaluhan mula nang manungkulan si Pangulong Duterte kung saan naiangat nito ang antas ng serbisyo nito sa larangan ng seguridad hindi lang sa loob ng bansa kundi maging sa usapin ng panlabas na banta.

“We have already built competence and mastery of what we are doing. We also have the right mix of tactics and strategies to remove the armed threats’ capabilities to intimidate and extort from the people and weaken their ability to generate resources,” ani Centino.

Ayon pa kay General Centino, mismong is Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay nagpaabot ng kanyang pasasalamat sa buong Sandatahang Lakas ng Pilipinas dahil sa layo na rin ng narating ng AFP bilang isa na ngayon sa pinakamalalakas na bansa habang patuloy pang nagpapalakas mula sa mga inaasahang kagamitang pandigma sa susunod na mga taon.

“The President expressed his gratitude for the AFP’s multi-faceted role in nation-building – as protector of the people and the state against all threats and helping our people during calamities. He said he is happy to leave his position soon, knowing that he is leaving behind a strong Armed Forces. I thank the Philippine Army for your contributions to making the AFP stronger than before,” dagdag ni Centino.

Tiniyak naman ni AFP Spokesperson Colonel Ramon Zagala na susuklian ng AFP ang pagtitiwala sa kanila sa pamamagitan ng pagtupad sa mandato na protektahan ang publiko at ipagtanggol ang estado.

Follow SMNI News on Twitter