NAITALA sa Aparri sa Cagayan ang pinakamataas na heat index sa Pilipinas na aabot sa 49 degrees celcius nitong linggo, May 12, 2024.
Batay ito sa 5pm report ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon.
Sumunod ang Roxas City, Capizna may 47°c heat index at 46°c sa Laoag City, Ilocos Norte at Dagupan City, Pangasinan.
Ayon sa PAGASA, maituturing na nasa “danger” category ang mga lugar na may mataas na heat index mula 42 hanggang 50 degrees celcius.
Aabot naman sa tatlumpu’t apat nalugar sa bansa ang nasa “danger” category.
Kasama dito ang Guiuan Eastern Samar; Tuguegarao City, Cagayan; at Iloilo City, Iloilo na may 45 degrees celcius.
Siyam na lugar naman nakaranas ng 44 degrees celcius sa Science Garden, Quezon City; Bacnotan, La Union; Baler, Aurora; San Jose, Occidental Mindoro; Cuyo, Palawan; Virac, Catanduanes; Catarman, Northern Samar; Zamboanga City, Zamboanga del Sur; Butuan City, Agusan del Norte.
43°c naman sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Pasay City, Metro Manila; I.S.U Echague, Isabela; Iba, Zambales; Ambulong, Tanauan Batangas; Puerto Princesa City, Palawan; Aborlan, Palawan; Masbate City, Masbate; Dumangas, Iloilo; Catbalogan, Samar; and Dipolog, Zamboanga del Norte.
Naitala naman ang 42°c sa mga sumusunod:
MMSU, Batac, Ilocos Norte; Cubi port, Subic Bay Olongapo City; Tayabas City, Quezon; Daet, Camarines Norte; Juban, Sorsogon; Pili, Camarines Sur; at Siquijor, Siquijor
Nagbigay babala naman ang ahensiya sa publiko na ang antas na nabanggit ay maaaring magdulot ng heat cramps, heat stroke, at pagkahapo.
Pinapayuhan naman ang lahat na uminom ng maraming tubig, magsuot ng may mahahabang manggas kung lumalabas, magsumbrero, gumamit ng payong at iwasang magpabilad sa matinding sikat ng araw.