Pinal na Code of Conduct sa WPS, solusyon upang maiwasan ang girian at banggaan—FPRRD

Pinal na Code of Conduct sa WPS, solusyon upang maiwasan ang girian at banggaan—FPRRD

PAGKAKAROON ng malinaw na Code of Conduct sa West Philippine Sea (WPS) ang nakikitang solusyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nangyaring banggaan sa pagitan ng Chinese vessel at Philippine vessel sa karagatan ng pinag-aagawang teritoryo malapit sa Ayungin Shoal o Ren Ai’ Jiao naman sa China.

Sa kaniyang programang Gikan sa Masa Para sa Masa noong Lunes, inihayag ng dating Pangulo na ang isyu sa WPS ay hindi lamang sa administrasyon ni Pangulong Marcos o sa kaniyang administrasyon noon bagkus ito ay isang matagal na isyu na sa pagitan ng dalawang bansa.

“So, this will remain a perennial problem, unless there is really an intention, well intention, maybe exchange of dialogue that would end any formal talks of how to go about treating each other kasi contested area man kaya ito, then there would be a Code of Conduct.”

“So in a Code of Conduct we should set the parameter of where we can travel, where we can sail north going to south and south going to west and never never na merong sufficient guidelines, sufficient parameters and sufficient warnings free intrude into or violate the rules that we abide by any formal talk. Kung wala iyan, ganito talaga ang mangyayari,” wika ni FPRRD.

Ayon kay Duterte, hindi mareresolba ang mga problema sa pinag-aagawang teritoryo kung araw-araw na may insidente roon ay ilalathala ito. Aniya, kinakailangan lamang ng maayos na pakikipag-usap ng Pilipinas sa China para maintindihan ng kaniya-kaniyang bansa ang mga pagkakaiba nito.

“It cannot be solved by just publishing every incident everyday, or shout to the world that there is something wrong every time there is a near collision or a collision, or something that is source of trouble,” aniya.

It would be better to talk as Philippines with China as China and find out how far we can solve this problem,” ayon pa sa dating Pangulo.

Paglipat ng confidential funds sa pondo ng mga ahensiya sa WPS, hindi angkop—PRRD

Samantala, nang tanungin kung ano ang kaniyang reaksiyon sa pag-realign ng confidential at intelligence funds sa mga ahensiya na nangangasiwa sa karapatan ng mga mangingisda sa WPS sa gitna ng lumalalang tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at China, narito ang naging tugon ng dating Pangulo.

Iyang dyan sa West Philippine Sea, di man kailangan ng intelligence fund na kitang-kita mo na, sino bigyan mo ng intelligence fund, ‘yung mga fishermen? Ituturo man nya ‘yung kalaban. That would be a silly proposition. Sino bigyan mo ng intelligence fund, puro barko man yan dyan, makita man. Rather go somewhere else,” diin ni FPRRD.

Ang pagkakaroon ng malinaw na Code of Conduct sa WPS ay hindi pa naisasagawa dahil na rin sa maraming pagkakaiba sa claimant states kabilang ang Pilipinas.

Nakumpleto na nga ng ASEAN at China ang unang pagdinig sa COC noong 2018 at 2019 pero ang negosasyon dito ay tuluyang naudlot dahil sa pandemya.

Matatandaan na dati nang nagkaroon ng kasunduan ang claimant states sa pinag-aagawang mga teritoryo upang maiwasan ang mga banggaan at girian sa ilalim ng ‘2002 Declaration on the Code of Conduct of parties’ sa South China Sea kung saan nakasaad nga rito ang freedom of navigation at mapayapang pagresolba sa mga isyu sa pagitan ng mga bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter