KWALIPIKADO na sa 2024 Paris Olympics ang Pinay weightlifter na si Rosegie Ramos.
Ayon sa Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP), inaantay na lang nila ang pinal na anunsiyo para dito at maging ang computation mula sa International Weightlifting Federation (IWF).
Ang naging susi para maging kwalipikado sa Paris Games si Ramos ay ang naging performance nito sa ginanap na IWF World Cup sa Thailand nitong Abril 1, 2024.
Maliban kay Ramos ay pasok na rin sa Paris games sina EJ Obiena, Carlos Yulo, Aleah Finnegan, Eumir Marcial, Nesthy Petecio, at Aira Villegas.