Pinoy athletes, sapat ang panahon para maghanda sa 33rd Southeast Asian Games

Pinoy athletes, sapat ang panahon para maghanda sa 33rd Southeast Asian Games

NANINIWALA ang Philippine Olympic Committee (POC) na may sapat na panahon ang mga atletang Pinoy na maghanda para sa 33rd Southeast Asian Games na gaganapin sa Thailand sa susunod na taon.

Ayon ito kay POC President Bambol Tolentino nang dumalo ito sa SEAG Council Federation nitong Oktubre 27, 2024.

Kung papalarin pa aniya ay maaaring maibalik ng bansa ang record nito noong 2005 at 2019 kung saan overall champion ito sa naturang biennial regional games.

Sa magiging event simula Disyembre 9 hanggang 20, 2025, nasa 581 events ang naka-program sa ilalim ng 50 sports.

Mayroon din itong tatlong demonstration sports kabilang na ang tug of war at freesbee.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble