MULING sasabak si People’s Champ Manny Pacquiao para sa isang 3 minute per round boxing match laban sa Japanese MMA fighter na si Chihiro Suzuki.
Gaganapin ang match sa Hulyo 28 sa Saitama Super Arena sa Japan.
Umaasa naman si Pacquiao na maraming manonood sa aniya’y magandang laban kontra kay Suzuki.
Ito na ang unang pagkakataon ngayong taon na sasabak si Pacquiao sa isang exhibition match matapos makansela ang sana’y Pebrero 2024 match nito kontra Buakaw Banchamek ng Thailand.