Pinoy boy band na HORI7ON, opisyal nang ipinakilala sa K-pop world

Pinoy boy band na HORI7ON, opisyal nang ipinakilala sa K-pop world

THE long wait is over para sa mga fan ng all-Filipino boy band na HORI7ON na makilala sa buong mundo ang kanilang mga idolo.

Ito’y dahil opisyal nang magsisimula ang journey ng HORI7ON bilang isang global pop group matapos dumaan sa mahigpit na 100 araw ng tinatawag ng ‘K-training’.

Nasa Seoul, South Korea ngayon ang boy band para sa kanilang debut media showcase event na isinagawa nitong Lunes sa Olympic Hall sa Songpa-Gu— ang lugar kung saan madalas isinagawa ang mga konsiyerto.

Kabilang sa ipinakilala ng grupo sa K-pop world ang kanilang 21-track package na unang studio album na ‘Friend-SHIP’.

Ang Pinoy boy band na HORI7ON ay binubuo nina Vinci, Lim, Kyler, Reyster, Winston, Jeromy at Marcus.

Nagsimula ang grupo nang manalo sa Filipino-South Korean boy group survival reality show na “Dream Maker”.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble