IBANG genre, ibang galing—Filipino hip-hop artists ang namayagpag sa Billboard Philippines Top Songs Chart ngayong linggo.
Nanguna sa listahan si Hellmerry na nasa No. 4 spot sa kaniyang kantang “My Day,” na nasa chart na ng 14 na linggo.
Nasa No. 6 spot naman ang collab track nina Ryouji at CK YG na “B4 I Let You Go.”
Hindi rin pahuhuli si Skusta Clee, na pasok sa No. 17 spot para sa kanyang kanta na “Kalimutan Ka.”
Present pa rin sa chart ang matagal nang hit na “Gusto Ko Sakin Ka Lang” ni Robledo Timido, na tumagal ng 31 weeks sa listahan.
Nasa No. 25 naman ang new song na “Ipagdadamot Kita” nina Olg Zak, Realest Cram, Nateman, at CK YG.
Ang Billboard Philippines Top Songs Chart ay lingguhang inilalabas batay sa streaming at audio data mula sa Luminate, isang kilalang music and entertainment data provider sa bansa.
Mula sa classic rock hanggang sa modernong hip-hop, patuloy na pinapatunayan ng Filipino artists na world-class ang talento ng Pilipino.