IPAPRAYORIDAD sa voters’ ID ang Pinoy overseas sakaling mag-umpisa na ang muling pagbibigay nito.
Ayon kay Commission on Elections (COMELEC) Chairman George Garcia, kaunti lang ang bilang ng mga Pinoy overseas kung kaya’t sila ang mas uunahin.
Sinabi ng COMELEC Chairman na marami pa rin sa mga Pilipino ang hindi pa nakuha ang kanilang National ID kung kaya’t bilang isa sa valid IDs, magbibigay muli ang komisyon nito.
Noong Disyembre 2017, sinuspinde ng komisyon ang pamamahagi ng voter’s ID dahil maglalabas na ang pamahalaan ng National ID sa ilalim ng Philippine Indentification System (PIS).
Samantala, nagsisimula na muli ang voter registration ngayong araw, Pebrero 12, 2024.
Kasabay nito ay inilunsad rin ng COMELEC ang “Register Anywhere Program” para mas marami ang makakapagparehistro at makaboto sa 2025 Midterm Elections.