Pinoy version ng “What’s wrong with Secretary Kim”, available na sa USA at Canada

Pinoy version ng “What’s wrong with Secretary Kim”, available na sa USA at Canada

STREAMING na ngayon sa United States at Canada ang Pinoy version ng South Korean romantic-comedy series na “What’s wrong with Secretary Kim”.

Available ang episodes via iwanttfc bawat Lunes, Martes at Miyerkules simula Marso 25, 2024.

Subalit ang unang limang episodes ng series ay nasa platform na noong Marso 18.

Ang “What’s wrong with Secretary Kim” ay pinagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino.

Ang original o South Korean version nito ay inilabas noong 2018 kung saan tampok si Park Seo-Joon at Park Min-Young.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble