Pagkakaligtas mula sa karamdaman, ‘second chance’ sa buhay ng ate ni Kim Chiu

Pagkakaligtas mula sa karamdaman, ‘second chance’ sa buhay ng ate ni Kim Chiu

INILARAWAN ni Lakambini, ang nakatatandang kapatid ni Kim Chiu na ‘second chance’ ang kaniyang pagkakaligtas mula sa kaniyang karamdaman kamakailan.

Aniya, posibleng may misyon pa siya sa mundo kung kaya’t ituturing niyang malaking blessing ang pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon upang mabuhay at gawin iyon.

Kaugnay nito, lubos din ang pasasalamat ni Lakam sa lahat na nagpaabot ng pakikiramay at nag-alay ng dasal para siya ay maka-recover.

Sa ngayon ay kailangan pa sumailalim ni Lakam ng isang therapy dahil hindi pa rin aniya malinaw ang kaniyang paningin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter